Tuloy
po kayo sa opisyal na website ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas
sa San Francisco.
Ang website na ito ay isang pagtatanghal sa Pilipinas at pagbibigay
kaalaman tungkol sa aming iba’t -ibang serbisyo, tungkol
sa turismo, kalakal at negosyo, at iba pang bagay na nauukol
sa Plipinas.
Kami ay naglilingkod sa inyo sa iba’t ibang paraan—pasaporte,
bisa, notaryo at serbisyong ligal, dual citizenship, at iba’t-ibang
paraan ng pagtulong sa ating mga kababayan. Dito mahahanap
ang kaukulang impormasyo hinggil dito. Tunghayan din ang iba’t
ibang pook pasyalan sa Pilipinas, gayun din ang mga kaalaman
sa pagnenegosyo.
Kami ay nagbubuklod sa pamayanang Pilipino sa Bay Area at
sa Pacific Northwest sa pamamagitan ng mga programa at proyekto
na nakatutulong sa ating mga kababayan, sa komunidad, at sa
Pilipinas. Alamin kung anu-ano ang mga ito sa pamamagitan
ng mga « links » sa website na ito
Maraming salamat po!
|